100% libre, hindi bitin AI-Powered

Sa wakas, libreng auto shop system — gawang Pinoy, para sa Pinoy shops.

No software fee. Ever.

Gumawa ng estimates, job orders, billing, service history, at marami pang iba — lahat nasa iisang libreng auto shop system.

Hindi kailangan ng credit card. Walang setup fee. Walang trial expiration.

Ang Totoong Problema

Ikaw ba 'to? Naka-logbook, Excel, tapos Messenger o Viber group.

Nawawalang job order

Nasulat sa scratch paper, na-basura, tapos may customer na tumatawag tanong kung tapos na 'yung sasakyan niya.

Sirang formula, laging outdated

May isang tao lang alam gumamit ng sheet, at ilang beses na nag-overwrite ng datos ng iba.

History na nakalimot sa chat

"Nasaan na 'yung nakaraang service ni Kuya?" — nasa chat thread ng dalawang buwan na ang nakaraan.

Kaya bumagal ang shop mo — hindi dahil kulang ang kaalaman mo, kundi kulang ang sistema mo.

Paano Ito Nag-wo-work

Tatlong hakbang lang. Simple lang mag-start.

1

Mag-sign up, libre

Ilang minuto lang. Walang kailangang credit card, walang trial na mag-e-expire.

2

Gamitin sa araw-araw

Job orders, service history, at billing — dumadaan lahat sa Ayus Shop, kahit sa phone o tablet lang.

3

Wala kang babayaran

Gamitin mo araw-araw, buwan-buwan, taon-taon — walang bayad para gamitin ang system.

Kasama, libre

Ang mga pangunahing tool ng shop mo.

Walang paltos, walang catch. Gamitin mo lahat ng ito araw-araw, hindi ka babayad.

Estimates

Gumawa ng mabilis na estimate bago pa magsimula ang trabaho — malinaw agad sa customer kung magkano ang gagastusin.

Job Orders

Gawin, i-assign, at i-track ang bawat job order mula simula hanggang release.

Billing

Mabilis na paggawa ng resibo at invoice, malinaw sa customer, malinaw sa iyo.

Service History

Buong history ng bawat sasakyan, laging nakalista at hindi nawawala.

Parts Ordering & Tracking

Alam mo agad ang natitirang stock, at ano ang kailangan mong i-order.

Customer Database

Naka-record ang lahat ng customer at sasakyan nila — kumpleto ang history, kahit ilang taon na ang nakalipas.

Kapag Kailangan Mo Na

May extra tools kami sa loob ng Ayus Shop.

Hindi ito kailangan para makapagsimula. Nandito lang, ready kung kailanganin mo na.

Ayus Check

Digital Vehicle Inspection

Ipakita sa customer ang totoong kalagayan ng sasakyan nila — may litrato, hindi lang sinasabi mo.

Receivables & Payables

Utang at Pautang

Bantayan kung sino may utang sa'yo at kung sino dapat mong bayaran — wala nang nakakalimutan.

HR & Wages

Sweldo ng Mekaniko

I-track ang time in/out at productivity ng bawat mekaniko — para tama ang payroll, wala nang hiwalay na notebook.

Available anumang oras mo gustuhin — sa loob mismo ng Ayus Shop.

Dahil Dinisenyo Namin Ito Para Sa Inyo

May features din ito para sa cashflow mo, at hindi lang sa system.

Options mo lang ito — extra support on top sa FREE Ayus Shop, dahil alam namin ang challenges mo at ng mga customers mo.

Ayus.ph x PayLoro: Fix Now, Pay Later — free software at flexible payments para sa mga Filipino auto repair shop.
Supply Financing

Kulang sa cash para sa parts? Ayos na yan.

Sa partnership namin sa PayLoro, puwede nang bilhin ng shop mo ang parts at supplies sa installment — hindi na kailangan hintayin ang cash flow bago simulan ang trabaho.

Installment Para Sa Customer

Malaking bill? May installment option na rin ang customer niyo.

Sa tulong ng PayLoro, puwede nang hatiin ng customer niyo ang bayad sa installment — pero ikaw, bayad ka pa rin nang buo, agad.

Hindi Ito Pinrogram Lang

Ginawa Ito Ng May Aktwal Na Karanasan Sa Shop.

Hindi ito ginawa ng mga programmer na naghuhula lang. Gawa ito ng mga taong may tunay na karanasan sa pagpapatakbo ng shop dito sa Pilipinas — alam namin ang totoong grind, kaya alam namin ang kailangan mo.

FAQs

Mga tanong na madalas itanong.

Paano kayo kikita kung libre?+

Kumikita kami kapag ginamit mo ang online payment options sa loob ng Ayus Shop — card, QR, e-wallets, at iba pang paraan ng bayad. 'Yun ang pinagmumulan ng kita namin, hindi ang paggamit mo sa platform.

Kailangan ba ng credit card?+

Hindi. Sign up ka lang. Walang credit card, walang trial period na mag-e-expire, walang paalala na "mag-upgrade ka na."

May hidden fee ba?+

Wala. Libre ang buong Ayus Shop platform — hanggang sa mag-decide kang mag-upgrade ng add-ons o gumamit ng payment tools namin.

Papalitan ba ng AI ang mekaniko o ang shop ko?+

Hindi. Ang AI sa Ayus Shop, tumutulong lang mag-ayos at mag-track — hindi ito pumapalit sa husay at kamay ng mekaniko. Ang totoong threat, 'yung ibang shop na mas mabilis mag-innovate, hindi ang AI mismo.

Tara, Simulan Na Natin

Libreng tools para sa shop mo, sign-up mo na.

No software fee. Ever.

Punan mo lang ang form — libre, walang kailangang credit card.

  • Libre ang core tools, palagi
  • Setup sa loob ng ilang minuto
  • May support team na Pilipino

Ang AI Para Sa Shop Mo: Hindi Ito Kaaway, Katulong Natin Ito. Hindi AI ang papalit sa'yo o sa mekaniko mo — ang husay at kamay nila, hindi mapapalitan ng AI. Ang totoong threat? Shop na ayaw mag-innovate, maiiwanan ng mas competent na shops. Ang Ayus Shop ay powered ng AI — para tumulong mag-ayos, hindi para palitan ka o ang mga tao mo.

Start for Free NOW!